About HotForex

over 1,500,000

Live Accounts Opened

mahigit sa 9

Taon sa Negosyo

higit sa 200+

Empleyado sa Buong Mundo

mas marami sa 25

Parangal sa Industriya

higit sa 27

Sinusuportang Wika

Sino kami

Ang HotForex ay isang pinarangalang broker ng forex at commodities na naghahatid-serbisyo at pasilidad sa pagte-trade sa parehong retail at institusyonal na mga kliyente. Dahil sa patakaran nito ng paghahatid sa mga kliyente ng pinakamahusay na kondisyon sa pagte-trade at sa pagbibigay-daan sa mga scalper at trader na gumamit ng mga ekspertong tagapayo na nagtataglay ng walang-limitasyong pag-access sa liquidity, napuwesto ng HotForex ang sarili nito bilang forex broker na pinipili ng mga trader sa buong mundo.



Ano ang ipinaglilingkod namin

Nag-aalok ang HotForex ng iba't ibang uri ng mga account, software sa kalakalan, at mga kagamitan para tulungan ang mga indibidwal at institusyon na mangalakal ng Forex at Derivatives online. Lahat ng mga Retail, Affiliates at White Label na kliyente ay may oportunidad na maakses ang iba't ibang spread at liquidity gamit ang makabagong awtomatisadong mga platform sa kalakalan. Nagbibigay ang HotForex ng di-mapapantayang mga opsiyon sa account na pagpipilian ng mga kliyente para sa mas personalisadong karanasang angkop sa kanilang mga pangangailangan. May napakagandang mga kondisyon sa kalakalan at napakabilis na pagsasagawa, nasa HotForex ang lahat ng mga kagamitan at serbisyong kailangan para makamit ng mga kliyente ang layunin nila sa kalakalan.

Hindi lamang isang misyon, ito ay isang pangako


Ang Aming Misyon ay ang Maghatid ng Pinakamahusay na Serbisyong Pangkostumer sa aming mga Kliyente sa pamamagitan ng pagpapanatili ng Napakhusay na Kulturang Nakakiling sa Kapakanan ng Kliyente. Sa ganitong paraan, makakamit natin ang ating Pananaw na mapanatili ang ating posisyon bilang Nangunguna sa Merkado na kilala dahil sa ating Napakahusay na mga Serbisyong Pangkostumer

Opisyal na Corporate Video ng HotForex


Palagi mong kasama


Ang Aming mga Paniniwala


Ang aming Mga Paniniwala ang siyang daan upang palagi naming makamit ang aming Misyon

  • Pahangain ang aming mga Kliyente sa pamamagitan ng aming Serbisyo
  • Maging Marubdob at Determinado
  • Magkaroon ng Mataas na Pagkilala sa mga katrabaho at mga kliyente
  • Bigyan ng lubos na pagpapahalaga ang Feedback ng Kliyente
  • Bumuo ng Positibong Pangkat at Magandang Samahang Pampamilya
  • Maging maaasahan at Mabisang makipag-ugnayan
  • Magsulong at Tumanggap ng Pagbabago
  • Panagutan ang aming mga Pagkilos

Inaalis ang mga limitasyon


Dahil sa maraming taon ng aktibong karanasan sa pagte-trade sa maraming platform at mga merkado, natukoy ng patuloy na umuunlad na pangkat sa pamamahala ng HotForex na mas magigipit ang mga tradisyonal na forex broker sa web dahil sa kanilang mga pagkaantala sa pagpapatupad ng mga trade, madalas na pagbagsak ng kanilang system at hindi magandang pangkalahatang serbisyong pangkostumer. Bilang resulta, nilalayon ng HotForex na ituro ang daan ng pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng natatanging teknolohiya, makabagong solusyon sa system, mababang halaga ng komisyon at di-mapantayang serbisyong pangkostumer.

HF Markets Group

HotForex and HF Markets are unified brand names of the HF Markets Group:

Nagbibigay ang HotForex ng maaasahan at premyadong mga serbisyo ng pangangalakal sa mga kliyente nito sa buong mundo.



Kasama mo sa bawat hakbang

Pinakamahalaga sa HotForex ang mga kliyente nito, kung kaya't ang lahat ng ginagawa namin ay palaging naglalayong mapahusay ang kanilang pangkalahatang karanasan sa pagte-trade. Ang aming pagtatalaga sa mga kliyente ay nagmumula sa aming paniniwala ng pag-aalok ng antas ng serbisyong pangkostumer na walang-katulad. Ang pangkat sa serbisyong pangkostumer ng HotForex ay binubuo ng mga propesyonal sa industriya na makakausap nang 24/5, upang matulungan ang mga kliyente sa anumang maaari nilang kailanganin mula sa paunang pagrerehistro hanggang sa pagwi-withdraw ng mga kinita sa pagte-trade.

Pananagutang Panlipunan





sponsorships


about